SA pagpasok ng panibagong season ng PBA, tila may bagong tahanan na naghihintay sa kontrobersyal na si Terrence Romeo.

Base sa mga naglabasang mga balita online kahapon, nabibilang na ang araw ni Romeo bilang miyembro ng TNT Katropa.

“Kahapon, nakausap na ng team officials si Terrence na baka i-trade siya this week,” hayag ng isang source na di nagpakilala sa panayam.

Ayon pa sa source, kasalukuyan nag-uusap ang TNT at Blackwater para sa trade kung saan kukunin ng una ang second overall pick ng huli sa 2018 PBA Rookie Draft sa Linggo.

Matatandaang nalipat si Romeo mula Globalport sa TNT noong nakaraang Abril 3 kasama si Yousef Taha kapalit ni Mo Tautuaa at 2020 first-round at 2021 second-round draft picks.

Brandon Clarke ng Memphis, pumanaw sa edad na 29!

Kapag nagkataon, posibleng maging kapalit ni Romeo ang mga matutunog na pangalan na puwedeng pumuwesto bilang top 3 picks alinman kina CJ Perez, Robert Bolick at Bobby Ray Parks Jr.

-Marivic Awitan