ADVANCE Christmas gift kay Ken Chan ang pagkakasama niya sa 2018 Walk of Fame awardees, na brainchild ni German Moreno. Maraming pictures si Ken sa ceremony, at isa sa mga litrato niya ay nasa tabi siya ng kanyang star at nakadampi pa ang kanang palad niya sa kanyang star.

Ken copy

“Pabiro kong sinabi kay Tatay (Kuya Germs) noon ‘Tatay bigyan mo ako ng Star sa Walk of Fame ah’. Sagot naman niya sa akin ‘balang araw magkakaroon ka din ng Star’.

“Ngayon dumating na nga ang araw na nagkaroon ako ng Star wala ka naman Tatay. Pero alam kong nakangiti at proud kang pinagmamasdan ako habang tinatanggap ko ang Star ko sa Walk of Fame.

“Sobrang saya ko ngayon! Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng Walk of Fame Philippines at sa German Moreno Foundation.”

Tsika at Intriga

Kasal nina Bea Alonzo, Vincent Co pinigilan ng management?

Marami ang nag-congratulate kay Ken, kasama na sina Ara Mina, Arra San Agustin, Jeric Gonzales, Maey Bautista, Dave Bornea, Teresa Loyzaga, at si Rita Daniela, ang misis ng karakter niyang si Boyet sa Afternoon Prime hit na My Special Tatay.

Nakakatuwa na marami ang shippers ng tambalan nina Boyet at Aubrey (Rita), at kung sila lang ang masusunod, gusto nilang maging “for real” ang love team nina Ken at Rita. Natutuwa kasi sila sa kakaibang tambalan ng isang may mild mental disability at isang pokpok, na isa sa mga rason kung bakit hit ang My Special Tatay.

In fairness kay Ken, kahit anong karakter at role ang ibigay sa kanya, nagagampanan niya nang mabuti. Halimbawa rito ang Destiny Rose at ang Meant To Be.

Yes, deserved nga ni Ken ang lahat ng blessings na dumarating sa kanya, kasama na ang pagkakaroon ng Star sa Walk of Fame.

-Nitz Miralles