TIYAK na aangat sa world rankings si WBO Asia Pacific Youth super featherweight champion Joe Noynay makaraang muling magwagi via 8-round unanimous decision laban sa beteranong si Junny Salogaol nitong Linggo sa Elorde Sports Complex sa Paranaque City.

Kumbinsidong nagwagi si Noynay laban kay Salogaol kaya nagwagi sa iskor na 80-72 sa mga huradong sina Silvestre Abainza, Danilo Lopez at Carlo Baluyut.

Ikaapat na sunod-sunod na pagwawagi ito ni Noynay mula nang matalo sa puntos sa Hapones na si Reiya Abe noong Pebrero 28, 2017 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Una niyang pinalasap ng pagkatalo si Chinese Jinxiang Pan noong Disyembre 16, 2017 via 8th round technical decision kaya nahablot niya ang WBO Asia Pacific Youth at WBC Asian Boxing Council Silver super featherweight titles sa Zhongsan, China.

Biathlon Olympian, binuking panloloko niya sa jowa niya sa post-game interview

Sa unang depensa ng kanyang WBO Youth title, dinaig niya sa 10th round majority decision si Mexican Hector Garcia noong Abril 7, 2018 sa Bogo City, Cebu at muli niya itong naidepensa via 8thround TKO kay Chinese Qixiu Zhang noong nakaraang Setyembre 20 sa SM Mall of Asia Music Hall sa Pasay City.

Napaganda ni Noynay ang kanyang rekord sa 16-2-1 na may 5 pagwawagi lamang sa knockouts at nakatala siyang No. 12 kay WBO junior lightweight champion Masayuki Ito.

Gilbert Espeña