LONGEST-RUNNING drama anthology sa Asia ang Maalaala Mo Kaya (MMK) pero hindi pa rin kumukupas ang ningning.

MMK BUH Roda dela Cerna (Kuha ni MJ Felipe)

MMK BUH Roda dela Cerna (Kuha ni MJ Felipe)

Nakaugalian na ng televiewers na abangan ito tuwing Sabado dahil sa makukulay na kuwento ng mga karanasan ng paghihirap, pagsisikap, kabiguan at tagumpay ng mga Pilipino.

Hindi nababawasan ang kinang ng MMK sa kabila ng maraming taon dahil sa mas may brilyo at creative people na nasa likod nito.Sa pangunguna ni Charo Santos-Concio, isa ang MMK sa mga programa sa television na maituturing nang institusyon.

Nitong nakaraang Huwebes, muling gumawa ng kasaysayan ang Maalaala Mo Kaya sa napanalunang Best Single Drama/Telemovie sa inaugural ng Asian Academy Creative Awards sa Singapore.

Tsika at Intriga

Kakai, nagbayad ng tax: 'Alis na tayo sa Pinas, para mabawasan na huhuthutan ng gobyerno natin!'

Ang winning entry ay ang special two-part episode na “Kotse-Kotsehan (Toy Car)” na pinagbidahan nina Angel Locsin at Dimples Romana. Matatandaan na mainit na pinag-usapan nang husto ang naturang episode tungkol sa dalawang magkaibang anggulo ng pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak.

Dumalo sa awarding ceremony at tinanggap ang tropeo ng business unit head (BUH) ng MMK na si Roda dela Cerna na inialay ang parangal sa dalawang inang nagtiwalang ipadala sa MMK ang kanilang kasaysayan. Pinasalamatan din siyempre niya ang crew and staff ng multi-awarded drama anthology.

Naging qualified ang MMK para sa international gala finals nang maging national winner sa naturang kategorya nitong Oktubre.

Isinasagawa ang Asian Academy Creative Awards sa 2018 Singapore Media Festival (SMF) at nilikha “to celebrate the best of Asian storytelling” at naglalayon “to serve the creative industries as the pinnacle of their achievement in content creation and media production.”

Bukod sa Asian Academy Creative Awards, nagwagi rin ang MMK ng Household Favorite award at Anak TV Seal Awardee 2018 sa Anak TV Seal Awards nitong nakaraang Biyernes.

-DINDO M. BALARES