GINAPI ng defending champion University of Perpetual Help System Dalta ang Lyceum of the Philippines University, 25-20, 25-20, 27-25, kahapon para patatagin ang kapit sa pangunguna sa men’s division ng 94th NCAA volleyball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Humataw din ang Lady Altas sa 17-25, 25-21, 25-17, 25-12, kontra Lady Pirates para patatagin ang kampanya sa Final Four.
Nanguna si Cindy Imbo sa naiskor na 16 hits para sa ikalawang sunod na panalo.
Kumana naman si Shyra Mae Umandal ng 14 puntos.
Sa iba pang laro, nagwagi ang Jose Rizal kontra Mapua, 24-26, 25-20, 20-25, 25-16, 15-8.