SOBRANG inspired ang mga aktor at kapwa first-time fathers na sina JC de Vera at Mike Tan dahil kumpleto ang kanilang Pasko sa pagkakabuo nila ng sariling pamilya.
Ang munting anghel ni JC at ng kanyang non-showbiz wife ay isinilang nitong Hulyo 2. Ang next event naman na pinaghahandaan nila ay ang kanilang church wedding.
Baby girl din ang anak ni Mike at bukod dun ay wala na siyang ibang detalyeng gustong isapubliko.
Si Mike ang Ultimate Survivor ng talent search na StarStruck noong 2004. Huli siyang napanood sa teleseryeng Hindi Ko Kayang Iwan Ka mula sa Kapuso network.
-Remy Umerez