TAMA pala kami. Hindi talaga binanggit ni Maine Mendoza ang pangalan ni Coco Martin nang i-promote niya ang 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nilang Jack Em Popoy: The Puliscredibles sa Sunday PinaSaya nitong Linggo.

Coco copy

Lumalabas tuloy na bawal banggitin sa shows ng GMA-7 ang pangalan ni Coco kapag ipino-promote ang nasabing movie ng aktor with Maine at Vic Sotto.

Ang alam namin, co-produced lang ng GMA-7 ang SPS at ang co-producer na APT Entertainment ang may say sa pagpapatakbo ng production. In fact, nakakapag-imbita ang show ng talents na hindi naiimbita sa station-produced shows ng network.

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Gusto tuloy naming malaman kung sinadyang hindi banggitin ni Maine ang pangalan ni Coco, o kung may advisory sa kanya na bawal banggitin ang name ng aktor, o nakalimutan lang talaga niya.

Sinagot ni Coco ang post sa Instagram ni Lolit Solis tungkol sa insidente, at sa sinabi ng huli na hindi ito naniniwala sa balitang “ban” si Coco sa GMA-7. Nakiusap pa si Lolit na ‘wag bigyan ng malisya ang hindi pagkakabanggit sa pangalan ng aktor, at baka raw may malaking pakulo sa pagbabalik ni Maine sa SPS sa Sunday, December 16, to promote Jack Em Popoy.

Sagot ni Coco kay Lolit: “Nay, okey lang po ‘yon at naiintindihan ko po.

“Sobrang taas ng respeto ko sa GMA dahil sila ang unang nagbukas sakin ng pintuan, lalo na po si Sir Joey Abacan. Napakabait po nila sa ‘kin kaya wala pong problema sa ‘kin yon, at kahit kailan hindi ako magtatampo sa kanila.

“Masaya na ako na natupad ko ang pangarap ko na makatrabaho po si Bossing at ganon din po si Maine.”

Nabanggit nga ni Coco sa presscon ng Jack Em Popoy na dream come true sa kanya ang makasama sa pelikula si Vic, na idol niya at inaming lahat ng pelikulang entry nito sa MMFF ay pinapanood nila ng kanyang pamilya.

Inamin pa nga ni Coco na na-starstruck siya kay Bossing sa first day shooting, at nakampante lang siya nang magkausap sila at magbiruan.

Kaya nga, ‘wag nang palakihin pa ang isyu sa hindi pagbanggit ni Maine sa pangalan ni Coco, at baka nakalimutan lang.

Sa December 25 na ang showing ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles, sa direksiyon ni Mike Tuviera.

-NITZ MIRALLES