Laro ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 pm -- Alaska vs Magnolia

MAKATABLA o muling mahulog sa bangin ng kabiguan?

Pacman, balik-bakbakan sa Abril para sa exhibition match!

Ito ang hamon na lalagpasan ng Alaska Aces sa muling pagharap sa Magnolia Hotshots sa Game 4 ng 2018 PBA Governors Cup best-of-seven Finals.

Magaganap ang aksiyon ganap na 7:00 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Target ng Alaska na makaulit para maipatas ang duwelo tungo sa krusyal Game 5.

Magtatangka naman ang Hotshots na bumawi sa natamong malaking kabiguan (71-100) noong Game 3 na idinaos sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

At sa pagkakataong ito, gaya ng ginawa ni Aces coach Alex Compton bago ang Game 3, tinawag din ni coach Chito Victolero ng Hotshots ang atensiyon ng mga referees upang maging consistent sa kanilang ginagawang tawagan para sa nalalabi pang mga laro sa championship series.

“Call ko rin attention nila,” ani Victolero patungkol sa mga game officials.

Ayon sa Hotshots mentor, gusto nyang magkaroon ng consistency sa officiating.

“That’s the reason we’re playing hard, wala kaming nabago. Bakit ganun, now I call the attention even on their press (defense), marami ring hawak. I reviewed the tapes, ganun din,”paliwanag pa nito.

“Siguro ‘di namin puwede gawin depensa namin, depensa nila puwede. Now, siguro let’s be consistent. Yun ang request ko dyan, kung di tatawagan samin, wag tatawagan sa kanila, kung tatawagan kami, tawagan din sila.”

-Marivic Awitan