Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na handa na ito sa “holiday rush” kasabay ng pagpapakalat ng 56 pang karagdagang immigration officers (IOs) sa iba’t ibang international airport, upang palakasin ang kanilang puwersa.

Sinabi ni BI Port Operations Division chief, Grifton Medina, pinagre-report na ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga IO sa kani-kanilang bagong assignment.

Layunin, aniya, nito na makatulong sa pagpoproseso ng libu-libong international passenger na inaasahang papasok at lalabas ng bansa sa panahon ng bakasyon.

“We are actually expecting an upsurge of travelers entering the Philippines by around the second or third week of December as Christmas time approaches,” ayon kay Medina.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sa 56 na IO na nabigyan ng travel orders, 19 sa mga ito ang mapupunta sa NAIA habang ang 37 na iba pa ay itatalaga sa mga paliparan sa Clark, Mactan, Kalibo, at Davao.

-Mina Navarro