ISANG buwang hindi nakasama ni Karylle Tatlonghari-Yuzon ang asawang si Yael Yuzon na lead vocalist ng bandang Spongecola dahil may series of tour sila sa Canada kamakailan, kaya natanong namin kung hindi ba siya puwedeng sumama sa asawa kapag ganito katagal ang tour nito.
“’Yung mga tour na ginawa nila this year kasi very in-demand ‘yung band especially sa Canada, hopefully makasama, pero I cannot be on leave for that long din kasi one-month, eh.
“Ang ganda ng ginawa nila kasi sinuyod din nila lahat ng small towns (Canada). I could see and feel na ang ganda-ganda ng reception sa kanila lalo na it’s snowing in Canada, so the people can’t really travel far, so sila (Spongecola) talaga ‘yung pumupunta sa mga tao at ang daming Pilipino ro’n, ang saya-saya nila,” kuwento ni Karylle.
Nabanggit din na sa 2019 ay may collaboration sila ng Spongecola at nai-record na raw niya ang ibang kanta.
Samantala, ilang taon nang kasal sina Karylle at Yael at hanggang ngayon ay wala pa silang baby kaya for the nth time ay muli namin siyang tinanong kung may plano na silang bumuo ng pamilya sa 2019.
“I guess it’s doesn’t happen as a plan, but yeah, when it happens, it happens. Hopefully next year,” saad niya.
Inamin din ni K (tawag kay Karylle) na kinukulit na rin siya ng mama Zsa Zsa Padilla niya na bigyan na siya ng apo.
“Oo, medyo, naghihintay-hintay na siya,” napangiting sagot ng singer.
Ibinalita rin ng singer na ipalalabas na ang pelikula nilang Encantandia na isa siya sa producer, “next year, our movie is coming out, it’s a movie with my fellow Sangres, Iza Calzado, Sunshine Dizon and Diana Zubiri.”
Ilang araw na lang at Pasko na at parating ipinagmamalaki ni Karylle ang magandang selebrasyon ng Pasko sa Pilipinas, lalo na kay Jeremy Calvin na ka-duet niya sa awiting It’s Christmas Time.
“It’s something I always tell people about Manila that you should experience Christmas here, I’ve spent Christmas in other places and it’s not as much fun, so we’re trying to bring that joy. It’s something that we should share with the world. If there’s one thing that we could really, really be proud of, it’s Christmas here and the love that we share,” sabi ni Karylle.
-Reggee Bonoan