TATLONG Pinoy boxers ang magkakasunod natalo sa Japan sa pangunguna ni two-time world title challenger Warlito Parrenas na dalawang beses bumagsak kaya natalo sa puntos kay dating Japanese super flyweight champion Sho Ishida via 8-round unanimous decision kamakalawa ng gabi sa EDION Arena sa Osaka.

Dalawang beses bumagsak ang nakabase sa Hyogo, Japan na si Parrenas kaya natalo kay Ishida na nabigo noong nakaraang taon nang hamunin si WBA super flyweight champion Khalid Yafai ng United Kingdom.

Sa Osaka, Japan, napabagsak ni Filipino Carlo Magali sa 5th round si knockout artist Masao Nakamura ngunit itinigil ang laban sanhi ng putok sa kaliwang kilay ng Pinoy boxer kaya nagwagi sa TKO ang Hapones na natamo ang bakanteng WBO Asia Pacific junior lightweight belt.

Sa undercard ng laban, napanatili naman ni world rated Reiya Konishi ang kanyang WBO Asia Pacific junior flyweight belt nang sumuko ang korner ni Filipino Charles Rosales na naghagis ng tuwalya eksaktong 2:32 ng 8th round.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

-Gilbert Espeña