HINDI kinailangang bantayan o alalayan ang anak nina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista na si Zeke Celestine Sarmenta sa pagsagot sa media tungkol sa estado ng relasyon ng magulang niya dahil napakahusay niya maski paulit-ulit ngunit sa ibang anggulo ang itinatanong sa kanya.

Zeke

Zeke

Simula kasi ng grand presscon ng Rainbow’s Sunset na entry ng Heaven’s Best Productions sa Metro Manila Film Festival 2018 ay may anunsiyo na bawal magtanong sa mga artista ng mga tanong na wala namang kinalaman sa pelikula.

Pagkatapos ng presscon ay muling nagpaalala ang publicist ng Rainbow’s Sunset na sina Jun Nardo at Lito Manago na bawal magtanong ng personal questions sa dalaga, pero hindi ito naiwasan ng ibang katoto dahil naisingit pa rin nila.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Akala nga namin ay, ‘no comment o next question please’ ang isasagot ni Zeke kapag natanong siya tungkol sa magulang, pero nagulat kami dahil naging open siya at handa raw siya sa lahat habang papunta sa presscon.

Aniya, “nasa utak ko na po ‘yun. Pero I’m with my mindset na I’m here to promote my movie and promote myself and to represent our film. So, to me, kung anumang other question ‘yun, it’s not on my agenda today.”

May binilin ba ang mommy Harlene niya bago siya pumunta sa presscon?

“Actually wala po silang binilin, ang sabi lang nila, “I’m proud of you, goodluck, I know you’re gonna do well. All positive things and I’m very thankful kasi sobrang nervous po ako bago ako dumating dito,” saad ng dalaga.

Hindi raw kasi extrovert si Zeke kaya kabado siya kapag humaharap sa maraming tao lalo na kapag presscon.

Pero siyempre, sumimple pa rin ang press kung paano na ang magiging set-up ng pamilya Sarmenta sa Pasko at Bagong Taon dahil tiyak na may pagbabago ngayong 2018.

“I think it would be a little different pero kasi, honestly and for being frank, walang nagbago sa amount of love na ibinigay sa amin ng magulang namin and even with each other. They’re friends. So to me, it’s different, but not in an emotional level. They’ve always been like that,” sagot ni Zeke.

Sa tanong kung kumusta silang magkakapatid sa naging desisyon ng kanilang magulang, sagot niya, “I think po kasi, lahat kami, may iba-ibang process of healing. Ako personally, I prefer not to talk about it, and out of respect to my parents, I don’t say a lot of them. Pero you know, I believe na everything will get better, siguro I’m just holding on to hope,” pahayag ng baguhang aktres.

Dagdag pa, “I’m just praying for their happiness.”

Walang sinabi ang dalaga kung ipinanalangin din niyang muling magkabalikan ang magulang, sabi lang niya, gusto niyang makitang parehong maligaya sina Romnick at Harlene.

Samantala, inamin ni Zeke na kabado talaga siya sa pagpasok niya sa showbiz dahil tiyak na ikukumpara siya sa mga magulang niyang parehong mahusay umarte.

“Both my parents po kasi were acting since they were kids and I see naman what kind of performance they gave. Believe it or not, I’ll go to my dad and ‘Pa, hindi ko kaya, I’m not anything like that’ tapos sasabihin niya, ‘sinubukan mo na ba?’, so grabe po talaga ‘yung support at faith nila sa akin kaya ko lang nagawa ito (movie).

“Actually, the whole shooting si papa kasama ko, the whole time tapos hindi niya ako tinutulungan or anything, ‘pag sobrang hindi ko talaga kaya, sasabihin niya, ‘o sige ganito na lang’,” kuwento ng panganay na babae nina Romnick at Harlene.

Inalam namin kung kanino mas malapit si Zeke, sa papa o mama niya?

“’Pag nakikita nila ako, si Papa talaga ang nakikita nila. Pero I have good relationship with both of my parents.

“With Dad, thankfully, ‘yung pananalita ang nakuha ko. My dad is very, ‘pag mag-iisip siya, sobrang thorough, sobrang klaro. Thankfully, nakuha ko ‘yun minsan.

“With my mama naman, grabe ‘yung maternal instinct ko. I’ve learn that from Mama.”

Sa tanong namin kung nag-workshop si Zeke bilang baguhan.

“Hindi po, kasi parang workshop doesn’t work for me personally, parang wala po ako masyadong napi-pick up. I mean, sure may matutunan ka nga no, but I prefer learning from my parents or watching plays. That’s how I (learned),”sagot ni Zeke.

Ang iniidolong local artist ni Zeke maliban sa magulang niya ay si Sunshine Dizon na kasama rin niya sa sa Rainbow’s Sunset.

“Simula bata pa po ako kasi sobrang love na love ko ang ‘Encantadia’. I think Bea Alonzo is very good also, si Jennylyn Mercado is very, very good also. I know more the older ones kasi ‘yun ‘yung mga mas kinalakihan ko,” nakangiting kuwento ng dalaga.

At ang nakakagulat, walang crush sa showbiz si Zeke. At wala rin siyang type na maka-loveteam.

“Hindi po ako sure loveteam kasi hindi ko po iniisip talaga, siguro kung makaka-work, I really like the older actors like these because it’s overwhelming in the best way possible. Siguro kung kailangan talaga ng newer people, I hear that Liza Soberano’s very nice, so, ‘yun po siguro. Sa lalaki, magaling si Joshua Garcia at Ken Chan,” paliwanag ng aktres.

Ang payo raw ng magulang ni Zeke ngayong artista na siya, “I have that clear mind na ‘yung pressure that both my parents are known actors, paano kung hindi ako to that standard? What my parents always told me is, as long as you do your best and you’re having a good time and you’re giving your all and you’re not hurting anybody, okay na ‘yun.”

Mapapanood na ang Rainbow’s Sunset sa Disyembre 25, handog ng Heaven’s Best Productions sa Metro Manila Film Festival 2018 mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

-REGGEE BONOAN