Nangakong babalik ng mas malakas at magaling ang “The Zamboanginian Fighter” na si Jomary Torres matapos siyang matalo sa laban nila ni Mei “V.V” Yamaguchi ng Japan sa isang unanimous decision nitong Biyernes, Disyembre 7 sa ONE: DESTINY OF CHAMPIONS sa Kuala, Lumpur, Malaysia .

(ONE Championship Photo)

(ONE Championship Photo)

Sa kabila ng galing ni Torres ay mas ginalingan pa rin ni Yamaguchi sa laban na naging dahilan ng pagkapanalo nito.

Kahit hindi siya nagtagumpay na maitaas ang kanyang kamay sa kanyang huling laban ngayong taon, naging Masaya at kumportable siyang nakalaban ang isang magaling na amartial artist na si Yamaguchi.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"To share the stage with a world-class athlete like Yamaguchi is a great learning experience. I see this as something that would benefit my career in the future," pahayag niya.

"This is definitely a great learning experience for me. I gave everything I have, but it didn't quite work out. I knew I was a big underdog, but I stepped up and went all-out against her.”

Inamin ni Torres na ang kanyang kalaban ang mas magaling na atleta sa kanilang dalawa at ang laban nila ay isang malaking tulong sa pagiging mixed martial artist niya.

"It's a huge help to have been able to compete against someone of Mei Yamaguchi's caliber. She's a former ONE World Title contender,” sabi niya. "She was the better lady that night, but that's part of being an athlete. I will learn and improve.”

Ang unang tatlong laban niya sa pinakamalaking martial arts organization sa mundo ay nagbigay dahilan sa mga manonood na kakaiba’t magaling siyang atleta ng women’s atomweight division ng ONE Championship.

Kahit sa sunod sunod niyang pagkatalo, plano ni Torres na mas pagbutihin at galingan pa at naniniwala siyang marami pang pupuwedeng mangyari sa kanyang career sa hinaharap.

"I have a great career ahead of me. The loss will only make me a better competitor moving forward," pangako niya.