Makalipas ang dalawang buwan ng lingguhang big-time rollback sa presyo ng produktong petrolyo, inihayag kahapon ng Department of Energy (DoE) na posibleng magtaas muli ang presyo ng gasolina sa linggong ito.

Sa taya ng DoE, magpapatupad ng nasa P0.40-P0.50 pagtaas sa kada litro ng gasolina sa linggong ito.

Para sa diesel, kung hindi gagalaw ang presyo nito o magro-rollback ng kakarampot na P0.05 kada litro, magtataas ito ng aabot sa 10 sentimos.

Gayunman, patuloy pa rin ang pagbaba ng presyo ng kerosene, na matatapyasan ng P0.25-P0.35 kada litro, ayon sa taya ng industry players.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Posibleng ipatupad ang mga pagbabagong ito sa presyuhan ng petrolyo sa Martes, Disyembre 11.

Ayon sa DoE, maaaring tumaas ang presyo ng gasolina matapos na bumaba ang imbentaryo ng krudo o langis sa Amerika.

Nitong Disyembre 4 ay nagtapyas ng P2.10 sa kada litro ang diesel, habang P2.00 naman ang binawas sa gasolina at kerosene.

Bella Gamotea at Myrna Velasco