MAY mga katangian si Kim Chiu na wala sa ibang artista, lalo na ang pagiging genuine a t transparent niya.

Direk Erik at cast ng 'One Great Love'

I t o a n g lamang niya sa karamihan. Ki t a n g - k i t a naman, habang wala siyang assignment sa home studio niya, kinuha s iyang bida n g R e g a l Entertainment.

Likas na kay Kim ang pagiging honest maging noong nasa loob pa lang siya ng Pinoy Big Brother. Inamin niya agad noon pa man na nakikipisan lang siya sa bahay ng mga tita niya, na nagbabantay siya sa tindahan para makatulong sa hanapbuhay ng mga ito.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Iniwan silang magkakapatid ng kanilang mga magulang sa ganoong sitwasyon, pero ayaw niyang habang buhay na lamang silang ganoon.

Aminado si Kim na ang mga kapatid niya ang dahilan ng mga pagsisikap niya.

Inako niya ang responsibilidad ng pagiging padre de pamilya at ina ng mga kapatid. Pinag-aaral niya ang mga ito sa anumang kursong gusto at full support siya sa katuparan ng anumang mga pangarap nila sa buhay.

Sadyang may malulungkot na background ang mga masayahing artista, tulad ni Kim. Muli itong lumitaw nang humarap siya sa grand presscon ng One Great Love, official entry ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan niya kasama sina Dennis Trillo at JC de Vera, sa direksiyon ni Eric Quizon. Naungkat sa open forum ang inamin ni Kim noon pa na napasukan niyang one-sided love. Kasi nga naman, one great love ang tema ng pelikula.

“Grabe po! Alam n’yo, guni-guni n’yo lang ‘yon!” pabirong denial niya. Minahal ba talaga siya ng nakarelasyon niyang iyon?

“ M i n a h a l naman,” sagot ni Kim. “Pero sadyang sa pagkakataon, sa tagal, kayo rin... lahat naman tayo nai-experience natin ‘yong gano’n.”

Pakikipagbiruan kay Kim ng moderator ng presscon na si Jun Nardo, bakit siya nandadamay?

“Eh, dapat tayo rin ito, tulungan tayo, ‘di ba?” panay ang tawang sagot ng dalaga. “Hindi, lahat naman tayo naka-experience ng gano’n para alam natin ang halaga ng magmahal.”

So, minahal din naman pala siya ng naka-one-sided love affair niya?

“Minahal din naman ako, pero mas lumamang lang ako. Parang sa laro lang ‘yan, may lumalamang, nananalo. ‘Kaso yung lumamang, natatalo, gano’n.”

Pero natuto na siya.

“Siyempre, natuto sa mga experiences natin sa love. May natututunan tayo kahit paano. Kung wala, tanga na ‘yon. Sa pelikula nga, move on.”

Ito ang minamahal ng press at lalo na ng fans kay Kim. Marunong siyang magdala ng buhay -- gaano man ito kabigat.

-DINDO M. BALARES