MARILAO, Bulacan – Hindi nagpaaresto ang isang dating bise alkalde ng Marilao, Bulacan, at sa halip ay ikinandado ang sarili sa kanyang bahay nang tangkain siyang dakpin ng mga pulis na armado ng arrest warrant para sa kinahaharap niyang qualified theft.

SUKO NA, PLEASE… Pinalibutan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ang bahay ni dating Marilao, Bulacan Vice Mayor Andre Santos, na tumangging magpaaresto kahapon sa kinahaharap na kasong qualified theft. (CZAR DANCEL)

SUKO NA, PLEASE… Pinalibutan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ang bahay ni dating Marilao, Bulacan Vice Mayor Andre Santos, na tumangging magpaaresto kahapon sa kinahaharap na kasong qualified theft.
(CZAR DANCEL)

Habang isinusulat ang balitang ito kahapon ng hapon ay hindi pa rin sumusuko si dating Vice Mayor Andre Santos, bagamat umaasa ang mga awtoridad na payapa rin niyang isusuko ang sarili.

Una rito, sinabi ni Santos sa mga pulis na siya ay may baril at granada, at hindi magpapaaresto kapag pinilit siya ng mga awtoridad.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Dumating din sa lugar si Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado at sinubukang kumbinsihin si Santos na mapayapang sumuko.

-Freddie C. Velez