ANG saya-saya ng buong pamilya ni dating Senator Bong Revilla dahil pagkalipas ng apat na taong hindi siya nakapiling ay heto, finally ay makakauwi na siya sa kanilang bahay at magiging unforgettable ang Pasko at Bagong Taon nila ngayong 2018.

H a l o s naglulundag sa tuwa ang anak niyang si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla nang basahin ng Sandiganbayan 5th Division ang “not guilty” verdict sa kanyang ama sa kasong plunder kaugnay ng Priority Development Assistant Fund (PDAF) o “pork barrel” scam.

Apat na taong nakulong si Bong sa Custodial Center ng Camp Crame simula noong 2014 dahil sa bintang sa pagbubulsa niya raw ng P224.5-milyon halaga ng pondo sa pamamagitan ng bogus organizations ni Janet Lim Napoles.

Kasama ni Bong na nakulong ang mga senador din noong sina Jinggoy Estrada, at Juan Ponce Enrile, na parehong nakalaya na dahil sa piyansa.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Reggee Bonoan