PINILIT talaga ni Anne Curtis si Direk Yam Laranas na payagan siyang lumangoy sa dagat kung saan sila nag-shoot ng horror movie na Aurora. Ang ganda-ganda raw talaga ng dagat sa Batanes, at nakakaengganyong maligo.

Anne & Direk Yam

“Ayokong may mangyari sa artista ko, kasi mahirap lumangoy doon, hindi mo kontrolado ang tubig kasi open, (nag-merge) ang Pacific Ocean at South China Sea,” sabi ni Direk Yam.

Pero pinayagan din si Anne, ‘yun lang sandali lang din sa tubig ang aktres, dahil masyadong malamig at malakas ang current.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Sa pelikula, gagampanan ni Anne ang karakter na Leana, na may-ari ng nag-iisang hotel sa isang isla (Batanes) at may nangyaring hindi maganda sa bayan nila dahil lumubog ang barkong Aurora.

Si Leana raw ang inatasang hanapin ang mga katawan ng mga namatay sa barko at may katumbas na halaga.

Kaya ang tagline ng Aurora ay: “The dead will find their way home, that’s when everything starts happening.”

Sa naunang dalawang horror films na nagawa na ni Anne na Ika-13 Kapitulo (2000) at Huwag Kang Lilingon (2006) ay kakaiba ang ikatlong horror film niyang Aurora.

“Hindi ito ‘yung tipong sigaw lang ako nang sigaw. It’s a very quiet and different kind of film na abangan ninyo,” sabi ng aktres.

Memorable ang 16-days shooting ni Anne sa Batanes.

“BVecause it’s set the tone and mood para sa pelikula namin, lalo na ‘yung set namin very creepy. It was dark, gloomy kaya maganda,” kuwento ng aktres.

Hindi na masyadong nagbigay ng detalye si Anne sa kuwento ng pelikula dahil mas maganda kung panoorin ito at tiyak na magugustuhan ito ng lahat.

Hindi lang ang Aurora ang ipino-promote ni Anne, kundi pati ang Fantastica ni Vice Ganda. Parehong entry sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang movie nila ng co-host niya sa It’s Showtime.

Inamin ng aktres na nagkakausap sila ni Vice tungkol sa mga entry nila sa 2018 MMFF, na showing na sa December 25.

“Normal lang (usapan nila), kasi last year parang si Vhong (Navarro) naman ‘yung merong entry sa film festival so parang wala na sa amin ‘yun. Nagtutulungan kami, even in Showtime. (Sabi namin) ‘O, manood kayo ng Aurora saka ng Fantastica’. Kasi during the Metro Manila Film Fest, puro mga Pinoy films ang mapapanood, bakasyon, eh. Halos lahat pinapanood ang entries,” nakangiting sabi ni Anne.

Nabanggit din ng aktres na nu’ng i-shoot nila ang Aurora last May ay hindi nila alam na mapipili itong entry. Kasi nu’ng isinumite ni Direk Yam ang script ay hindi sila umasa hanggang sa binanggit sa kanila na unang napili ang pelikula para sa MMFF.

“It was the first script that was chosen, it was thrilled so lalo naming ginalingan,” sabi ni Anne.

Ngayong 2018 ay nakatatlong pelikula si Anne, na magkakaiba ang genre: ang romcom/drama na Sid and Aya at ang action film na Buy Bust, plus ito ngang Aurora na horror.

“Hindi naman sinadya na ipalabas lahat ngayong taon kasi ‘yung Buy Bust, two years ago pa kinunan. Tapos ‘yung Sid and Aya early this year natapos. Itong Aurora hindi namin expected na papasok sa MMFF kaya ang alam namin ay next year pa. It’s the busiest (year) for me,” paliwanag ni Anne.

Samantala, ayaw magbigay ng aktres ng update kung kailan sila magkaka-baby ng mister niyang si Erwan Heusaff.

“That’s a personal question,” maikling sagot niya.

Anyway, simula Disyembre 25 ay mapapanood na ang Aurora mula sa Aliud Entertainment at Viva Films, sa direksiyon ni Yam Laranas.

Reggee Bonoan