IPINAKILALA kamakailan sa media ang 174 fashion designers na magiging bahagi ng Miss Intercontinental 2018.

Ang mga Pilipinong designer ang magbibihis sa 87 kandidata. Ang unang set ng 87 designer ay lilikha ng evening gowns, habang ang kalahati ang gagawa ng mga Filipiniana. Makakatanggap naman ng $1,000 ang magwawaging disenyo at designer.

Isang araw bago ang pagpapakilala, pormal na lumagda ang mga producers at franchisees ng 47th edition ng Miss Intercontinental 2018 sa Sofitel Philippine Plaza Manila bilang official residence ng halos 90 kandidata; gayundin sa Landco Pacific Corporation para sa Playa Calatagan Village na pagdarausan ng ilang event ng patimpalak.

Saksi naman sa MOA signing ang kakatawan sa Pilipinas sa Philippine 47th Miss Intercontinental- Bb. Pilipinas Intercontinental 2018, Karen Galman.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Isinusulong ng patimpalak ang ‘diversity of beauty’ at ‘women empowerment.’

Manila Bulletin Entertainment