ISA sa longest-running musical sa London ang Miss Saigon, na nagbigay-daan sa international stardom ni Lea Salonga. Ginampanan niya ang role ng Kim sa sikat na musical.

Aicelle

Isa pang importanteng role sa Miss Saigon, ang Gigi, ang orihinal namang ginampanan ng isa pang Pinay, si Isay Alvarez, noong mid-80s.

At ngayon na on tour ang Miss Saigon, isa pang Pinay—si Aicelle Santos— ang muling gumaganap bilang Gigi.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Laking pasasalamat nga ni Aicelle at nagkaroon siya ng short break, kaya naman one week siyang namalagi sa Pilipinas. Kailangan niyang ipahinga ang kanyang boses dahil mahihirap o killer song ang itinatampok sa Miss Saigon.

After London, itatanghal naman ang Miss Saigon sa Singapore at Switzerland.

Pero ginamit ni Aicelle ang maikling bakasyon niya upang sorpresahin ang kanyang husband-to-be, ang dating broadcaster na si Mark Sembrano. Marami ang kinilig sa Instagram post ni Aicelle sa video ng sorpresang pagdating niya sa bahay ni Mark pagkagaling niya sa airport.

Parang ganti iyon ni Aicelle, dahil minsan na rin siyang sinorpresa ng nobyo nang biglaan siya nitong puntahan sa London.

Tatapusin lang ni Aicelle ang kanyang commitments, at saka sila magpapakasal ni Mark next year.

Dati nang naitanghal sa Pilipinas ang Miss Saigon, at sadyang kamangha-mangha ang set na pinagkagastusan nang malaki. It is worth mentioning na bukod kina Lea at Aicelle, another coveted role sa musical ang karakter ng The Engineer, na ilang taong ginampanan ng isa pang Pinoy, si Leo Valdez.

-Remy Umerez