NAGING steady rock support ni Jessy Mendiola ang boyfriend na si Luis Manzano sa buong panahon na dumadanas siya ng depression.

Jessy copy

“He’s very supportive sa kahit anong desisyon ko. Nu’ng malaman niya na gusto ko nang mag-give up, sabi niya, ‘Sige, okey lang. Bumalik ka sa kung anong gusto mo na gawin. Tutulungan kita, susuportahan kita’,” kuwento ni Jessy sa kung paano siya inalalayan ni Luis, sa grand presscon kamakailan ng The Girl in the Orange Dress, na kasali sa 2018 Metro Manila Film Festival at showing na sa Disyembre 25.

Matatandaang inamin ni Jessy na simula 2016 ay nakaramdam na siya ng depresyon dahil sa walang sawang pamba-bash sa kanya, nasabay pa na wala na siyang dumarating na projects noon, at kung anu-ano pa.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“Two years, hindi buwan, seryoso. I had a doctor for that. I’m not afraid to admit that,” sabi ni Jessy. “Kasi talagang nangyari sa akin and gusto ko din magkaroon ako ng vlog (video) about it, and I wanna spread awareness na depression is not a joke. And bashing and cyber bullying really affect people, especially us, celebrities.”

Hindi rin itinanggi ni Jessy na nasubukan niyang maglaslas.

“Oh , y e s , n a g - cut a k o hanggang dito (turo sa pulso paakyat sa braso). Wala na siya (peklat). Hanggang dun lang naman.

“ P e r o a l am mo ‘yung feeling mo n a h a n g g a n g birthday mo, hindi ka tatayo sa kama, s a kuwa r t o ka lang?

“ ‘Tapo s , w i t h i n those two year s , I had to work on myself to heal. And now, I’m really proud to say na I’m really okay. I’m healed,” say ng aktres.

Pinasalamatan ni Jessy si Luis sa walang maliw na pagsuporta sa kanya, at kahit sa The Girl in the Orange Dress ay nag-cameo role rin ang actor-TV host.

Wa l a n g b a y a d s i Luis sa nasabing role, at kinumpirma pa ng movie producer na si Atty. Jojie Alonso na “si Luis po ang nagprisinta”.

Anyway, abut-abot ang pasasalamat ng aktres kina Atty. Jojie at Direk Jay Abello dahil magku-quit na sana siya sa showbiz nang dumating ang offer para gawin niya ang The Girl in the Orange Dress, na first time rin niyang magbida at unang beses din siyang mapasama sa 2018 Metro Manila Film Festival. Tampok din sa movie sina Jericho Rosales, Ria Atayde, Sheena Halili, Hannah Ledesma, Nico Antonio, Via Antonio, Cai Cortez, at Juan Miguel Severo, produced ng Quantum Fi lms , Star Cinema at MJM Productions.

-REGGEE BONOAN