Iginiit na hindi siya atheist, kinikilala ni Pangulong Duterte na hindi siya mananalong presidente kung wala ang tulong ng Diyos.

Halos nangangalahati na sa anim na taon niyang termino, sinabi ng Pangulo na naniniwala siya sa Diyos at nagawa niyang mapagtagumpayan ang mga pagsubok sa kanyang buhay at marating ang kinalalagyan niya ngayon sa tulong ng Panginoon.

“I never said I do not believe in God. What I said is your God is stupid, mine has a lot of common sense. That’s what I told the bishops,” sinabi ni Duterte sa pagkilala sa mga child-friendly municipality at cities sa Malacañang nitong Miyerkules.

“I never said I was an atheist. Well, the presidency is a God-given gift. I am sure God would not have given me the position if I was a bullsh*t. Magklaro tayo doon. I couldn’t have made it in life even the barest that I—before the presidency—without God,” ani Duterte.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sa isa pang pagtatalumpati sa Palasyo, sinabi ni Duterte na pagkapangulong ipinagkaloob ng Diyos ay nangangahulugan ng pagkakaloob ng tapat na paglilingkod sa publiko.

“The presidency is a gift from God and the gift from God includes the service to my fellowmen,” aniya.

Nangako siyang ipagpapatuloy ang kampanya kontra droga, at nagbantang magiging “harsh” pa siya.“I assume full responsibility and I answer for it. And if I have to go to jail, I will go to jail so be it,” sabi ni Duterte.

-Genalyn D. Kabiling