NANAIG ang beteranong koponan ng Creamline Cool Smashers sa Game One ng Premier Volleyball League Open Conference Finals kontra Ateneo-Motolite Lady Eagles ( 25-17, 25-10, 25-16) upang makalapit sa target nilang ikalawang championship ngayong season.

Dahil sa kanilang naging tagumpay, may tsansa ang Creamline na makopo na ang titulo sa Game Two na nakatakdang idaos sa Batangas City.

Isang magandang pagkakataon na rin ito para kay Creamline team captain Alyssa Valdez na tubong San Juan, Batangas para magwagi doon mismo sa sarili nyang probinsiya.

“Minsan lang mangyayare ‘yun. Hindi lang inspired, pero I think it’s one way of giving back also, na lahat ng galing sa Batangas, babalik at babalik talaga sa Batangas,” pahayag ni Valdez.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit, sa kabila ng taglay nilang bentahe naniniwala si Valdez hindi pa rin magiging madali ang kanilang laban kontra Lady Eagles.

“Mahirap pa rin ‘yan kasi Ateneo kalaban namin. We’re just happy na mashe-share namin ‘yung entertainment sa mas madaming tao,” aniya.

"It’s a big factor na may seventh man kami na nagchi-cheer kahit anong mangyari,” pahayag ni Valdez.

-Marivic Awitan