Inatasan na ng Department of Health (DoH) ang Food and Drugs Administration (FDA) upang suriin ang mga lambanog na ininom at ikinasawi ng walong katao sa magkahiwalay na insidente sa Quezon City at Laguna, kamakailan.

Ayon kay Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo, nais nilang malaman kung rehistrado at kung kontaminado ang mga lambanog na ininom ng mga nasawi.

Kaugnay nito, hinihikayat din ni Domingo ang publiko na bumili at gumamit lang ng mga produktong rehistrado ng FDA upang matiyak na ligtas ang mga ito.

“FDA is now investigating to check if the product is registered and if the seller has a license to operate. They are also trying to secure samples for testing,” ani Domingo.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

“We advise the public to refrain from buying and consuming unregistered products,” dagdag pa ni Domingo.

Miyerkules ng hapon nang mamatay sina Roy Basbas, 56, magsasaka; Gonzalo Camangon La Torre Jr., 50; Severino Callos, 65, binata, electrician; at Hermino Caramay, 65, tricycle driver, pawang taga-Captain Perlas St., Barangay Pooc, Sta. Rosa City, Laguna makaraang uminom ng lambanog. Huling naiulat na Malubha naman ang lagay sa Philippine General Hospital ang isa pang kainuman nilang si Antonio Jeremias, 70; habang nakaligtas si Robert Cruz, 48 anyos.

Nauna rito, apat na tricycle driver sa Quezon City ang namatay, habang 13 iba pa ang naospital makaraan silang tumagay ng lambanog sa Novaliches, Quezon City.

-MARY ANN SANTIAGO at DANNY ESTACIO