MALAKING tulong kay Jessy Mendiola ang pelikulang The Girl in the Orange Dress, na entry ng Quantum Films, Star Cinema at MJM Productions sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil kung hindi siya inoperan nito ay natuloy na ang pagbabu niya sa showbiz.

Jessy copy

Nabanggit ng aktres sa ginanap na grand presscon ng The Girl in the Orange Dress nitong Martes sa TYO’s Kitchen, sa Tomas Morato, Quezon City na desidido na talaga siyang mag-quit sa showbiz hanggang sa nakatanggap siya ng tawag para sa role na Anna at nagpapasalamat siya nang husto kina Direk Jay Abello at sa Quantum producer na si Atty. Jojie Alonso dahil ipinaglaban siya sa pelikula.

“Ang hirap mag-cast nu’ng lead ng material na ‘to kasi naghahanap kami ng certain combination of innocence and sensuality. ‘Yun bang hindi malaswa na kahit sensuality, a certain kick but at the same time mag-exude pa rin siya ng innocence, so we were considering several actors who would be willing, who might be considered for the film and merong isang artista na kapag siya ang kinast (pinili) parang na-rape (sabay tawa),” paliwanag ni Atty. Jojie.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Hanggang sa nabanggit ang pangalan ni Jessy sa meeting at nagtinginan daw sina Direk Jay at Atty. Jojie.

“Nagtinginan kami, ‘puwede’, ‘yun ang reaction namin. Kasi si Jessy when you looked at her puwede siyang inosente at the same time ibang level of sensuality ang dala niya and the combination is not easy to match.

“Tapos siyempre, bina-balance rin namin kung sino ‘yung babagay kay Echo (Jericho Rosales). And Echo agreed that Jessy was perfect for the role, so tatlo na kami no’n na nag-agree on Jessy. That’s how the decision was arrived.”

Nabanggit pa ng Quantum producer na hindi niya masisisi ang aktres kung naisip niyang mag-quit sa showbiz dahil nga sa pinagdaanan nito na kaliwa’t kanang bashing kahit walang ginagawa at nag-post lang ng litrato ay marami pa ring negatibong komento.

Pero hindi ito naging hadlang kay Atty. Jojie para kunin si Jessy sa project dahil mas type niya ang mga “inaapi”.

“When I worked with a certain artist before, ang sabi sa akin, ‘wag mo siyang kunin kasi jinx siya sa pelikula.’ And hindi naman ganu’n ‘yung nangyari.

“So, sa akin I’ve always done films kung minsan I made mistakes, I don’t succeed but I wanna stand with a decision that is made and I really thought that Jessy was perfect for the role and if this film somehow will help her, I would be the happiest person in the world.”

Naluluha naman si Jessy sa magandang pahayag ni Atty. Jojie sa kanya.

Oo nga, tanda namin may artistang ginawang bida noon si Atty. Jojie sa pelikula niya na masasabing pawala na ang karera ng artistang ito pero dahil kumita at naging talk of the town noon ang pelikula ay naging sunud-sunod na ang offer nito.

Anyway, mapapanood na ang The Girl in the Orange Dress sa Disyembre 25, at kasama rin sa pelikula sina Ria Atayde, Sheena Halili, Hannah Ledesma, Nico Antonio, Via Antonio, Cai Cortez, at Juan Miguel Severo.

-Reggee Bonoan