Bilang ang Country-of-Focus sa ginaganap na Singapore Media Festival, tampok sa event ang magagandang sistorya, talento, at mga napagtagumpayan ng mga Pilipino.

Miguel. Kyline, Maja at Michael V.

Pinagsama-sama sa festival ang limang pangunahing event - ang Singapore International Film Festival (SGIFF), ang bagong tatag na Asian Academy Creative Awards (AAA), ang Asia TV Forum & Market (ATF), Screen Singapore, at SMF Ignite.

“Fresh off a new wave that began in the 2000s, Philippine cinema has since matured into a thriving industry with rich stories and diverse talents. To celebrate one hundred years of Philippine Cinema, we are proud to present a selection of films and filmmakers across our programmes,” nakasaad sa isang bahagi ng festival guide.

'Ang sakit!' Coco Martin, isinumpa noon ang ABS-CBN

Sa Silver Screen Awards, ang The Imminent Immanent (Baga’t Diri Tuhay Ta’t Pamahungpahung) ni Carlo Francisco Manatad; Manila Is Full Of Men Named Boy ni Andrew Stephen Lee; Judgement ni Raymund Ribay Gutierrez; at Please Stop Talking (Wag Mo ’Kong Kausapin) ni Josef Gacutan ay bahagi ng Southeast Asian Short Film Competition.

Para sa AAA, nominado ang mga Pinoy celebrities na sina Maja Salvador para sa Best Actress in a Leading Role: Wildflower ng ABS-CBN; Miguel Tanfelix para sa Best Actor in a Leading Role: Kambal Karibal ng GMA Network; Kyline Alcantara para sa Best Actress in a Supporting Role: Kambal Karibal ng GMA Network; Gabby Eigenmann para sa Best Actor in a Supporting Role: Contessa ng GMA Network; at Michael V. para sa Best Comedy Performance: Pepito Manaloto ng GMA Network.

Nagkaroon din ng screening ang Eerie ni Mikhail Red bilang bahagi ng Special Presentation section nitong Dec. 3. sa Capitol Theatre. Dinaluhan ito ng mga pangunahing aktor sa pelikula na sina Bea Alonzo at Charo Santos-Concio.

Ang pelikula ay tungkol sa dalawang babae sa St Lucia Convent na may misteryosong pagkamatay – at ito ay maaaring may kaugnayan sa estudyanteng nagpatiwakal, ilang taon na ang nakalipas bago ang kanilang pagpanaw.

Ito ang unang sabak ni Mikhail sa horror genre.

Mayroong tatlong pelikula sa ilalim ng Onscreen: Asian Vision Feature “(which) presents new works by both renowned auteurs and future visionaries of Asian Cinema, Asian Vision charts the most exciting developments shaping the film landscape of Asia today. It places the Festival’s position in Southeast Asia within the greater context of Asian cinematic traditions, and expands the cross-cultural dialogue for our local and regional audiences and filmmakers.”

Ang mga pelikula ay ang The Ashes And Ghosts Of Tayug 1931 (Dapol Tan Payawar Na Tayug 1931)ni Christopher Gozum, isa itong historical docudrama na nakasentro sa nakalimutang rebolusyonaryong Pilipino na siyang nanguna sa mga alipin na lumaban sa mga kolonyal na Amerikano. Pangalawa ang Nervous Translation ni Shireen Seno na tungkol sa fantastical world na napanaginipan ng isang batang babae. At ang huli ay ang Season Of The Devil (Ang Panahon Ng Halimaw) ni Lav Diaz, isang musical drama na naka-set sa brutal era ng martial law sa Pilipinas.

-STEPHANIE MAE BERNARDINO