NAKATAKDANG magsasagawa si International Master Angelo Young ng 30 board simul games sa opening ng 1st Bicol International Chess Challenge sa Disyembre 7-8 sa SM City Legazpi sa Albay province.

Si Young na 7-time Illinois State Chess champion at kamakailan ay nagkampeon sa rapid event ng Asian Seniors championship sa Tagaytay City.

Inaasahan magpapakitang gilas ang mga Bicolano rising chess stars sa pangunguna nina Janet Mercader, Lea Magno, Patrick Credo, Jayvee Relleve at Albay kiddie sensation Victorious Zoe Buenaflor na hahamon kay IM Young sa exhibition match na suportado ni Legazpi chess czar City Councilor Vince Baltazar.

Ang international rapid championship na inorganisa ng D’ Plaza Chess Association of the Phils, sa pakikipagtulungan ng Chess Director Chess Club Coalition of the Phils., na ang chairman ay si Martin "Binky" Gaticales, NCFP Director , chairman ng program at promotion committee.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

"Early registrants to the standard tournament are already entered in the rapid competition and the balance of their entry fee will be credited to the standard tourney in March 2019, this was announced by event organizer Ricardo Martin. Registration is pegged at Php1000 on or before Dec. 6." ani pa ng organizing committee.

Ang On-site registration ay P1200 sa event na magsisilbing punong abala sina Albay Gov. Al Francis Bichara,Legazpi City Mayor Noel Rosal, Advanced Foundation Construction Systems at Double 12 Construction and Supply. Nakalaan ang cash prizes P15,000, P10,000,at P 7,000 sa mangungunang tatlong player