NU Lady Bulldogs, walang gurlis sa 80 laro; kampeon sa ikalimang sunod na UAAP season
WALA pa ring tatalo sa National University Lady Bulldogs.
Sa larangan ng collegiate women’s basketball sa bansa, lubhang napakahirap na abutin ang pedestal na tinuntungan ng Sampaloc-based cagers.
Naitala ng NU ang ika-80 sunod na panalo nang walisin ang Far Eastern University, 67-61, nitong Miyerkules para makopo ang ikalimang sunod na kampeonato sa UAAP Season 81 women's basketball tournament sa Araneta Coliseum.
Kasabay ng pagposte ng kanilang ika-80 sunod na tagumpay, pinantayan din ng Lady Bulldogs ang rekord na longest championship streak sa UAAP Seniors Basketball division na itinala ng Ateneo Blue Eagles noong Season 71 hanggang 75.
Natapos din ng kanilang manlalarong si Ria Nabalan ang kanyang UAAP career bilang natatanging student-cager na undefeated sa loob ng 80 laro mula nang magwagi ang NU noong Hulyo 13, 2014 sa iskor na 62-46 kontra Adamson Lady Falcons.
Pinangunahan ni Rhea Itesi ang nasabing panalo ss itinala nitong 17 puntos kadunod si Jack Animam na may 15 puntos.
Samantala,pormal ng iginawad kahapon kay University of Sto. Tomas Congolese player Grace Irebu ang Season 81 women's basketball Most Valuable Player award.
Kasama niyang nahirang sa Mythical Team ang teammate na si Sai Larosa at sina Adamson cager Mar Prado, FEU standout Clare Castro, at Season 83 MVP Jack Animam ng NU.
Tinanghal naman si Tigresses guard Tantoy Ferrer bilang Rookie of the Year. Marivic Awitan
Iskor:
NU (67) -- Itesi 17, Animam 15, Nabalan 11, Pingol 8, Camelo 8, Del Carmen 7, Canuto 1, Fabruada 0, Layug 0, Cacho 0, Goto 0.
FEU (61) -- Quiapo 15, Adriano 9, Mamaril 8, Bahuyan 7, Castro 6, Taguiam 6, Antiola 6, Bastatas 2, Payadon 2, Vidal 0.
Quarterscores: 18-16, 41-25, 54-44, 67-61.