LIBU-LIBONG magsasaka ang nakatanggap ng libreng hybrid palay seeds nitong Lunes, para sa layuning mapataas ang produksiyon ng agrikultura sa Baliwag, Bulacan.

Pinangunahan ni Mayor Freddie V. Estrella ang pamamahagi ng 1,345 sako ng hybrid palay seeds sa mahigit 1,000 magsasaka mula sa walong rehistradong organisasyon ng mga magsasaka bilang paraan upang matulungan ang pagpapabuti ng produksiyon ng bigas.

Ayon kay Mayor Estrella, isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Baliwag ang hybrid planting sa panahon tagtuyot dahil sa mas mataas na produksiyon o pag-aani.

Sa isang pag-aaral, isang sa mga pangunahing adbentahe ng hybrid rice farming ay ang paggamit nito ng 15 hanggang 18 kilo ng binhi kada ektarya at 60 porsiyento mas matipid sa tubig kumpara sa tradisyunal na uri ng bigas na gumagamit ng 80 hanggang 120 kilo ng binhi kada ektarya at 5,000 litro ng tubig sa bawat kilo na maaani.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“Mayor Estrella distributes free hybrid seeds to farmers to maintain the town’s achievement of being the fourth highest yielder in palay production throughout the province of Bulacan,” pahayag ni Clemente Labao, officer-in-charge of the Municipal Agriculture Office ng Baliwag.

Nitong nakaraang Agosto, namahagi rin ang alkalde ng mga sertipikadong binhi sa mahigit 1,300 magsasaka sa kanilang bayan.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga magsasaka kay Mayor Estrella, na ipinagmalaki na sa kanyang termino lamang unang nakatanggap ng buong subsidiya o libreng hybrid seeds para sa dalawang panahon ng pagtatanim.

“Now they (referring to farmers) will have nothing to pay because Mayor Ferdie wants to help boost the income of those in the agriculture sector,” pahayag ni Labao.

PNA