SA grand presscon ng The Girl in the Orange Dress, ibinahagi ni Jessy Mendiola na dumanas siya ng depression noong panahong nagpatung-patong na ang isyu sa relasyon niya with ex-BF JM de Guzman, bukod pa sa ibang mga intrigang kinaharap niya noon.
Nakadagdag sa kanyang depression ang bashing na kanyang natatanggap mula sa fans ng dati niyang nakarelasyon. Maging ang insidente sa eroplano involving Enrique Gil noong ginanap ang ASAP Live in London, taong 2015, ay isa sa mga malalaking dagok sa buhay na kanyang pinagdaanan.
Sa panayam sa aktres, inamin niya ang naging pakikibaka niya sa depression.
“Two years, hindi buwan, seryoso,” ani Jessy.
“I had a doctor for that. I’m not afraid to admit that. Kasi talagang nangyari sa akin and gusto ko rin magkaroon ako ng vlog about it, and I wanna spread awareness na depression is not a joke.
“And bashing and cyber bullying really affect people, especially us, celebrities.”
Gaya ng ilang taong nakakaranas ng depression, pinagtangkaan din daw niya ang sariling buhay.
“Pero alam mo ‘yung feeling mo na hanggang birthday mo, hindi ka tatayo sa kama, sa kuwarto ka lang.”
Kasunod nito, ibinahagi ni Jessy ang mga pinagdaanan niya noong 2015.
“May plane harassment, ‘yung I had an ex before na mahirap to deal with. ‘Yung mga ganung bagay, very personal, nagpatung-patong siya.”
Tinukoy ng PEP noong September 10, 2015, ang tungkol sa plane incident na kinasangkutan ng Kapamilya stars na sina Jessy, Enrique Gil, Luis Manzano, at Liza Soberano sa flight nila patungong London, England, para sa ASAP Live in London.
Base sa report, nakainom umano si Enrique noon sa flight at kinukulit nito si Jessy. Ngunit hindi raw pinansin ng aktres ang aktor, na lalong nagpainit sa ulo ni Enrique.
Sa puntong ito ay inawat na raw ni Luis si Enrique sa pangungulit.
Doon na raw nagkaroon ng confrontation sa pagitan nina Luis at Enrique.
Ang The Girl in the Orange Dress ay entry ng Quantum Fi lms , Star Cinema, at MJM Productions sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018. Kasama rin sa pelikula sina Jericho Rosales, Ria Atayde, Sheena Halili, Hannah Ledesma, Nico Antonio, Via Antonio, Cai Cortez, a t Juan Miguel Severo, sa direksiyon ni Jay Abello.
-ADOR V. SALUTA