NAISALBA ng University of Perpetual Help System Dalta ang ratsada ng College of St. Benilde tungo sa 25-18, 27-29, 25-19, 25-20 panalo kahapon para sa solong pangunguna sa men’s side ng 94th NCAA volleyball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Kumana si Aljoe Serrano ng 19 puntos, tampok ang 15 attack, habang kumana si reigning MVP Joebert Almodiel ng 15 hits, 11 receptions at limang digs para sa ikatlong sunod na panalo.

Bunsod nang panalo, lumakas ang kampanya ng Las Pinas-based school para sa ika-12 korona sa kabuuan , dalawang titilu ang layo para pantayan ang Letran.

Nanguna sa Blazers si Ruvince Abrot sa naiskor na team-best 13 hits.

‘Iyakin daw?’ TNT Poy Erram, dinogshow ng PBA fans sa Araneta!

Nauna rito, ginapi ng Perpetual Help ang CSB-La Salle Greenhills, 25-19. 23-25, 25-22, 27-29, 16-14, para manatiling malinis sa tatlong laro.

Nadomina ng power-hitting na si Aguilar ang CSB-LSGH, 36-24.