KALIWA”T kanang batikos ang natikman ng Philippine Team Gilas basketball matapos ang nakakawindang na kabiguan laban sa Kazakhtan at Iran.

At ang masakit, naganap ito sa harap ng sambayanan.

Tunay na hindi dapat isisi kay National coach Yeng Guiao ang kabiguan sa fifth windowng FIBA World Cup Asian qualifying, higit sa mga players na nagsakripisyo para sa laban ng bansa.

Ngunit, saan mo man tignan, tunay na lutang ang kakulangan sa malalaki at scorer na players sa Gilas.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang kakulangan na ito ang nais punan ni Ginebra resident import Justine Brownlee.

Kabilang si Brownlee sa lumulutang na pangalan bilang kapalit nang dati na ring naturalized na si Andray Blatche at ni Fil-German Christian Stanhardinger.

Kamakailan, nagsalita si Blatche sa social media sa kanyang damdamin at panghihinayang sa hindi pagkakasama sa Gilas. Ang 6-foot-9 dating NBA players ay bahagi ng Gilas na nakausad sa World Cup may apat na taon na ang nakalilipas.

Napagdusahan na ng 32-anyos na si Blatche ang four-game suspension na ipinataw sa kanya matapos masangkot sa rambulan kontra Australia. Ngunit, tila iba ang plano ni Guiao.

At malakas ang bulung-bulungan na kursunada ni Guiao ang posibilidad na maging naturalzed player si Brownlee.

“Yes just waiting. I heard it’s going through pretty well and everything’s going well. So I think it’s just a waiting process. I’m just excited. Looking forward to it,” pahayag ni Brownlee sa panayam ng Manila Bulletin On-line.

“Really just kinda resting, enjoying the Philippines and just trying to connect with some of the fans and some of the people in the Philippines,” aniya.

Kung magkatooo, hindi na puso ang sigaw ng Pinoy fans, kundi.. ‘Ginebra, Ginebra’.

-BRIAN YALUNG