NAGKAKAISA ang mga namumuno sa Barangay Pinugay, Baras, Rizal sa iisang layunin -- makatuklas ng bagong talento sa larangan ng chess sa grass-roots level.
Bunsod nito, inilunsad nina organizer Robert Bolaños, Baras Pinugay National High School Principal Lucille Angeles at Barangay Pinugay chairman Jofre Seclot ang pagsasagawa ng chess clinic tuwing Sabado at Linggo sa Baras Pinugay National High School Principal kung saan naman ay inaasahan naman na magbibigay ng suporta at ayuda si Baras, Rizal mayor Kathrine B. Robles.
Una ng nagpatala ang magkapatid na sina Gabriel at Glen Cartel at Tintin Bolaños kung saan si 1999 Kuala-Lumpur, Malaysia Asian Inter-Collegiate chess champion National Master Romeo Mercado Alcodia ang naimbitahang magsasanay at maghuhubog ng talento ng mga bata sa ibabaw ng 64 square board.