SALT LAKE CITY (AP) — Pinabagsak ng Utah Jazz, sa pangunguna nina Donovan Mitchell na may 20 puntos at Rudy Gobert na may 18 puntos at 10 rebounds, ang San Antonio Spurs, 139-105, nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Nag-ambag si Kyle Korver ng 15 puntos sa unang home game mula nang magbalik sa Jazz mula sa Cleveland Cavaliers, habang humirit si Derrick Favors ng 14 puntos para sa unang panalo sa home game ng Utah sa loob ng mahigit isang buwan.

Huling nanalo ang Jazz sa harap ng home crowd nitong Nov. 9, 123-115.

Nanguna si Jakob Poeltl sa Spurs sa naiskor na career-high 20 puntos, habang bumuno sina DeMar DeRozan at LaMarcus Aldridge ng tig-16 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

KINGS 122, SUNS 105

Sa Phoenix, nagsalansan si Buddy Hield ng 20 puntos at nag-ambag si De'Aaron Fox ng 16 puntos at pitong assists.

Pitong Kings ang umiskor ng double figures, kabilang si Bogdan Bogdanovic na tumipa ng 11 puntos mula sa bench.

Kumubra si rookie De'Anthony Melton ng career-high 21 puntos para sa Phoenix, habang nakadale sina Trevor Ariza at Josh Jackson ng tig-14 puntos.

MAVS 111, BLAZERS 102

Sa Dallas, hataw si Luka Doncic sa naiskor na 21 puntos, habang humugot si Wesley Matthews ng 17puntos para sabdigan ang Mavericks kontra Portland Trail Blazers,

Ratsada si DeAndre Jordan sa naiskor na 12 puntos at 17 rebounds.

Nanguna sa Portland si Damian Lillard sa naiskor na 33 puntos.