Sa inaasahang pagbabalik ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program sa mga paaralan, iminungkahi ni dating Political Adviser Atty. Francis N. Tolentino na bigyan ng kalayaan ang mga eskuwelahan na pumili ng ROTC commandant.
Aniya, sa ganitong paraan ay maiiwasan ang pagmamalabis sa kapangyarihan o kurapsiyon na nagiging dahilan upang maging bahagi na lamang ito ng National Service Training Program (NSTP).
“Bilang isang Heneral din ng ating military, naniniwala akong malaki ang maitutulong ng ROTC sa pagpapanumbalik ng disiplina at pagkamakabayan sa ating mga kabataan,” sabi ni Tolentino.
“Subalit bago pa man magawa ito, kailangang mapanumbalik muna ang tiwala ng mga mag-aaral at ng mga pinuno ng paaralan na ang mga hindi magagandang naging karanasan noon sa ROTC ay hindi na mauulit,” dagdag niya.
Dagdag pa ni Tolentino, ang pagbibigay kalayaan sa mga paaralan na pumili ng kanilang ROTC commandant ay nagbibigay kapangyarihan din sa mga paaralan na piliin ang kanilang pagkakatiwalaan