NAKIKIPAG-USAP si Pangulong Duterte sa mga sundalo sa Camp Rajah Sikatuna sa Carmen, Bohol, nitong Nobyembre 27 nang sabihin niyang, “I will create my own Sparrow. Walang hanapin kundi mga istambay na mga tao, prospective NPAs, at bibirahin sila. I will match their talent in assassinating people...”
Ang grupong “Sparrow” ay isang ‘assassination squad’ na binuo ng New People’s Army na pumapatay sa mga opisyal ng pamahalaan, sundalo at pulis noong 1970s at 1980s. Katulad ng inaasahan, nagdulot ng kaliwa’t kanang batikos ang mga salitang sinabi ng Pangulo mula sa iba’t ibang sektor ngunit nagpalakas din sa pagsisikap na madepensahan ang intensiyon ng Pangulo, kung hindi ito ang tunay nitong pahayag.
Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na duda siyang seryoso ang Pangulo dahil, bilang isang abugado, alam niyang “illegal and criminal” ang pagbuo ng isang anumang grupo para sa pagpatay. Habang inihayag naman ni Senador Gregorio Honasan II, na kailan lamang ay pinangalanang kalihim ng Department of Information and Communication Technology, na tunay na kakailanganin ng “extreme measures” para sa mga “extreme situations,” ngunit ang mga paraang ito ay dapat na naaayon sa batas.
Samantala, para sa oposisyong pulitikal, na pinamumunuan ni Liberal Party President Senador Francis Pangilinan, ang paglikha ng isang death squads ay magdudulot lamang sa bansa para maging isang “howling, lawless wilderness.” Sinabi ni Senadora Grace Poe: “The President says things like that at times, but we all know that we have rule of law to follow, so that is what should prevail.” Para kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus ang utos ng Pangulo ay magsusulong lamang ng “state gangterism.” Habang sinabi ni Senador Antonio Trillanes na nais lamang ng Pangulo “[to] strike fear into the hearts and minds of Filipinos...Fear is his only way to keep people in check.”
Ang militar, sa pamamagitan ni Armed Forces of the Philippines spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo, ay nagsabing, “For us, this is a show of care for the soldiers by our commander-in-chief.” Habang ipinaliwanag naman ni Presidential spokesman Salvador Panelo na, “I think the President was just bringing an idea... So let’s wait for the idea to be realized...He’s floating that idea and some are responding, others for and others against. Let’s see how it develops.”
Ito marahil ang paraan para tumugon sa pahayag ng Pangulo. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagdulot ng kontrobersiya ang kanyang mga pahayag at pinaalalahanan na rin ng mga dating tagapagsalita ang bawat isa na maging handa sa lahat ng oras upang makita ang mga hindi inaasahang pahayag ng Pangulo na mayroong “creative imagination.”
Ang aksiyon niya ang mas mahalaga. Kung gumawa man siya ng anumang aksiyon na itinuturing na ilegal ng ilan, dapat itong dalhin sa korte at nagpapakita naman ang Pangulo ng pagrespeto sa ating sistema ng pagtataya at sistema ng hustisya.
Kung gayon, ano ang sinasabi ng Pangulo na “Sparrow assassination unit” nang magsalita siya sa Bohol nitong nakaraang linggo? Umaasa tayong may makuha tayo sa isyung ito. Isa itong ideya na mahalagang pag-usapan ngunit hindi dapat ipatupad.