DAVAO CITY – Binatikos ni Davao del Norte governor Anthony del Rosario sina ACT Teachers Party-list representative France Castro, Bayan Muna President Satur Ocampo, at 16 iba pang indibiduwal sa likod ng National Solidarity and Fact-Finding mission sa Talaingod, Davao del Norte nitong Nobyembre 28, 2018 dahil sa umano’y panggagamit sa mga batang Lumad.

Sa pahayag na inilabas nitong Martes, sinabi ng gobernador na ang pag-aresto kina Ocampo at Castro at 16 na aktibista, o tinatawag na Talaingod 18, ay para sa paghahatid sa 14 menor de edad “exposed the wiles of the leftist organizations in using the IPs to push their own agenda.”

Sinabi ni Del Rosario na hiniling ng local government unit at tribal leaders ang pagsasara ng Salugpongan Ta Tanu Igkanugon Community Learning Center (STTICLC) sa Barangay Palma Gil, Talaingod “for its questionable motive” but the progressive groups exploited the situation to “demonize the government and raise funds for their benefit.”

Aniya, ipinagdiinan ng awtoridad at tribal leaders kung paano ginagamit ang Salugpongan, isang boarding school na tinutuluyan ng Lumad students na mula sa malalayong lugar ng North Cotabato, Bukidnon, at Zamboanga peninsula, sa anti-government propaganda at training ground.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kinuwestiyon din ni Del Rosario ang sinseridad ng progressive groups sa pagsasagawa ng fact-finding mission, na mag-iimbestiga sa alegasyon ng pangha-harass mula sa paramilitary group Alamara, sa pagkabigong makipag-ugnayan sa LGUs, national government agencies, at Lumad leaders para sa sariling seguridad.

“They did not even secure a written consent from the Provincial Government of Davao del Norte, among other protocol. The mission failed to show that it is bent on upholding the best interest of the Lumad children,” dagdag niya.

Sinabi niya na ang kawalan ng ugnayan ay nagpalutang sa tunay na motibo na gamitin ang mga estudyanteng Lumad na ipagpatuloy ang makasarili nilang hangarin at ang pag-aresto ay nagpapakitang “rule of law can prevail despite the maneuverings, threat and intimidation of the leftist groups.”

“The incident revealed how the age-old conflict between the government and those who seek to overthrow it took its toll on our innocent and disadvantaged IP brothers and sisters,” aniya.

-Antonio L. Colina IV