Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

4:00 n.h. -- Banko Perlas vs Petro Gazz (for 3rd)

6:00 n.g. -- Ateneo-Motolite vs Creamline (championship)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

SENTRO ng atensyon ang Ateneo-Motolite at Creamline sa kanilang pagtututos sa cham­pionship match ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference ngayong gabi sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Ang Creamline Cool Smashers ay binubuo ng ilan sa mga prominenteng pangalan sa laran­gan ng women’s volleyball kabilang ang dala­wang dating star players ng kanilang katung­galing Ateneo-Motolite Lady Eagles.

Sina Alyssa Valdez at setter Jia Morado ang dalawa sa may malaking kontribusyon sa back-to-back UAAP titles ng Lady Eagles noong Season 76 at 77.

“For me kasi, it’s about standing on the court against those legends in their own right and knowing na kaya mo ‘rin,” pahayag ni Ateneo star Bea De Leon.

“Knowing how well they play and seeing na kaya rin namin.”

“I guess we have to set aside our mindset na kilala namin sila,” sambit naman ni Maddie Madayag.”Our mindset talaga namin is we’re gonna focus on our team.”

Para naman kay Ateneo coach Oliver Almadro, malaking oportunidad ito para sa kanyang team na inaasahan niyang makakatu­long sa ginagawa nilang paghahanda para sa UAAP.

“It’s all about heart and who wants it more. They are legends. They are the idols of our play­ers. Sila nagsimula kung ano meron ang Ateneo. Itong mga players ang magtutuloy. May con­nection pa rin sila,” pahayag ni Almadro.

Sa panig naman ng Creamline, hindi ben­tahe ang pagiging beterano ng kanilang roster dahil iba pa rin anila ang taglay na enerhiya at preparasyon ng Lady Eagles dahil sa kanilang regular routine.

“I think sa mga bata like Ateneo, mas advantage nila kasi nasa routine pa sila as student-athletes, kahit pagod sila, naglalaro, nagte-training,” ani Valdez.

-Marivic Awitan