Ibinigay lahat ni Jeremy “The Jaguar” Miado sa laban upang makuha ang pinaka-emotionally-charged victory ng kanyang career.

Nitong nakaraang Biyernes, Nobyembre 23, natalo niya si Peng Xue Wen ng China sa second rund TKO sa ONE: CONQUEST OF CHAMPIONS, na ginanap sa Mall of Asia Arena dito sa Manila, Philippines.

Habang patuloy ang sigawan ng kanyang mga tiga suporta sa kanyang pagkapanalo, saglit na pumikit si Miado at itinaas ang kamay at inalay ang panalo niya sa kanyang namayapang ama.

"All I can say is I really prepared for that bout, and it showed in my performance. I trained in Malaysia for that. I trained many months for Peng Xue Wen. I am so happy that people got to appreciate my improvement as an athlete," sabi niya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Sunday [at] midnight, my dad passed away. My father kept asking when he was in the hospital when I would come home. I drew strength from him. It is because of him that I love martial arts.”

Ibinato niya lahat ng kanyang suntok at sipa nang may lakas at hindi nagpakita ng kahit isang bakas ng pagkatalo.

Natapos ang laban sa 35 second mark ng round 2. Inilaglag niya si Peng gamit ang right uppercut at sinunod sunod ang mga suntok hanggang sa itinigil na ng referee ang laban.

"I worked on my strength and conditioning, jiu-jitsu, and wrestling,” the Filipino explained. “I was training even before I received a call for this bout.”

Kapapanalo lamang ng “The Jaguar” ay iniisip na niya agad ang kanyang susunod na laban.

Umaasa siya na makahaharap si Adrian “Papua Badboy” Mattheis ng Indonesia o magkaroon ng rematch kay Pongsiri “The Smiling Assassin” Mitsatit na tinalo siya noong Nobyembre 2017.

Hindi pa kumpirmado kung kalian makauuwi dito sa Pilipinas si Miado.

Sa ngayon, malaking bagay para kay Miado na naialay niya ang laban para sa alaala ng kanyang ama at para sa ONE: CONQUEST OF CHAMPIONS din.

"I knew that if I won, he would be happy,” saad niya. “The moment I won, I knew he was happy from up there. I know he was with me. I know he was watching, so I did my best to win."