Inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang Philippine National Railways (PNR) Malabon-Taguig train segment nito.

Kahapon ng umaga, isang simpleng seremonya para sa proyekto ang isinagawa sa North Harbor Link Segment 10 sa Gov. Pascual Avenue sa Malabon City.

Pinangunahan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang pagpapasinaya sa Gov. Pascual platform at Sangandaan-Gov. Pascual segment ng PNR.

Ang biyahe ay magmumula sa Gov. Pascual hanggang sa FTI station, kung saan P25 ang pasahe para sa air-conditioned coaches at P20 naman para sa non-airconditioned trains.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Ayon sa DOTr, aabutin lang ng hanggang 58 minuto ang biyahe sa nasabing ruta.

May apat na biyahe kada araw para sa Tutuban-Gov. Pascual route at pabalik, habang walo naman ang biyahe sa Gov. Pascual-FTI route at pabalik.

-Mary Ann Santiago