NANG pasukin ng magkapatid na Arjo at Ria Atayde ang showbiz ay iisa ang pangarap nila, makasama ang inang si Sylvia Sanchez sa isang project.
Malaki ang impluwensya ni Sylvia sa mga anak kaya sinundan ang yapak niya bilang artista.
Nagkasama na sina Ria at Ibyang sa teleseryeng Ningning, 2015. Nakasama naman ni Arjo ang ina sa seryeng Hanggang Saan noong 2017-2018.
At ngayon, sina Arjo at Ria naman ang magsasama sa Maalaala Mo Kaya na kinunan pa sa Romblon sa loob ng limang araw at mapapanood na ito sa Sabado, Disyembre 8 mula sa direksyon ni Giselle Andres.
Ang post ni Ria, “After about two months of planning, we were finally able to shoot our MMK episode and I’m so excited for all of you to see it at the end of this week since I joined the industry, I wanted nothing more than the opportunity to work with @arjoatayde so this is another dream come true. Thank you @mmkofficial for not only letting us bring to life the beautiful story of environmentalists Armin and Rosedel Marin but for also reminding us that this country’s beauty and future are definitely worth fighting for. Please catch our episode, under the direction of Direk Giselle Andres, this December 8 (Saturday) at 8:30pm on ABSCBN.”
Bukod sa saya ng magkapatid ay higit na mas masaya ang nanay nilang si Ibyang dahil isa sa bucket list niyang mapanood sina Arjo at Ria sa isang project. At siyempre, papahuli ba naman ang daddy nilang si Art Atayde na gustung-gusto ring mapanood ang mga anak?
Anyway, mas naunang magkaroon ng pelikula si Ria kaysa kay Arjo, ang Can We Still Be Friends (2017) at The Hows of Us (2018). At ngayong 2018 MMFF ay parehong may entry ang dalawa, ang The Girl in Orange Dress (Quantum Films) at ang Jack en Popoy: The Puliscredibles ng CCM Film Productons/MZet Production at APT Entertainment.
-Reggee Bonoan