NAGSIMULA ang lahat sa fun video cover ng tinaguriang Suklay Diva na si Katrina Velarde sa kanyang mga iniidolo, na nag-viral sa YouTube, kung saan siya nakilala.
She uploaded a video of herself sa Facebook habang kumakanta hawak ang isang purple comb bilang microphone. Ito ang kuwento sa bansag sa kanyang Suklay Diva.
Umaabot nang millions ang mga upload niya online, including her rendition of Dangerously in Love ni Beyoncé, Till I Met You ni Kuh Ledesma, at ang interpretation niya ng Burn ni Ellie Goulding. Record-breaking naman ang four million views sa YouTube na natamo ng live performance niya ng Go The Distance ni Michael Bolton.
Ang biggest break ni Kat ay nang mag-audition siya sa X Factor Philippines noong 2013. Si Gary Valenciano ang naging mentor ng grupong kinabibilangan ni Kat. Hindi man nila napanalunan ang grand prize, nagmarka nang husto ang galing ni Kat sa pagkanta.
Nagpe-perform si Kat sa Music Hall sa Metro Walk tuwing Wednesday, at laging jampacked ang venue. Non-stop ang pagkanta niya ng mga awitin ni Regine Velasquez, na noon pa man ay iniidolo na niya.
Ang isinaplaka niyang Tama Na, a PhilPop 2018 entry, ay pumasok sa listahan ng Top 10 finalists sa naturang songwriting competition, at available ito on Spotify , iTunes, Apple Music, at sa lahat ng digital music stores.
Manager ni Kat si Angeli Pangilinan- Valenciano, na nagbalita sa amin na sa February 1, 2019 na ang first major concert si Kat sa Kia Theater.
-Remy Umerez