Nageensayo ng mabuti si Jomary “The Zamboanginian Fighter” Torres para sa huling laban niya sa ONE Championship ngayong taon.
Lahat ng pagsisikap niya ay mapapanood ngayong darating na Biyernes, Disyembre 7 at makakaharap niya ang dating ONE World Title challenger
Ang Filipina breakout star ay makakalaban ang veteran na si veteran Mei “V.V.” Yamaguchi ng Japan sa isang 3 round atomweight bout sa ONE: DESTINY OF CHAMPIONS, na gaganapin sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.
“We know that Yamaguchi is a versatile athlete, and I’m ready for whatever she brings,” sabi niya.
“We are upgrading all aspects of my game in preparation for this match. I know I’m facing a tough opponent, but I definitely know how I can beat her.”
Alam ni Torres na mahusay ang kanyang Japanese na kalaban dahil sa maraming kasanayan at karanasan nito pero nakahanap na ng paraan si Torres upang matalo si Yamaguchi.
“Yamaguchi has many weapons, so I need to be careful as I execute my offense,” paliwanag niya.
“I have watched a lot of videos of her previous matches, and I think my stand-up game could give her some problems.”
Sa intensyong gusto niyang ibalik ang sarili sa linya ng mga panalo, walang plano si Torres na paabutin sa mga hurado ang magiging desisyon ng kanilang laban. Desidido siyang matatapos niya agad ang laban..
“I am looking for a knockout win,” pagpapatuloy niya.
“I believe that I am the stronger athlete between the two of us, and I will do my best to get the best out of it. One of my objectives is to force her to trade strikes with me until my heavy bombs find their targets.”
Umaasa si Torres na magandang matatapos ang kanyang taon at mangunguna sa kanyang weight class.
“I started the year with a huge win. I am closing out my 2018 in the same fashion,” pahayag niya.
“I’m ready to end this year with a big win against one of the biggest names in my division.”