HINDI pa man natatapos ang taon, all-out na ang suporta ng Go For Gold sa Philippine wrestling team na magtatangkang mangibabaw sa 2019 Southeast Asian Games sa 2019.

PINOY PRIDE! (Mula sa kaliwa) Michael Cater, Jhonny Morte, Margarito Angana, Cadel Evance Hualda, Jonathan Maquilan at Ronil Tubog.

PINOY PRIDE! (Mula sa kaliwa) Michael Cater, Jhonny Morte, Margarito Angana, Cadel Evance Hualda, Jonathan Maquilan at Ronil Tubog.

Sa ayuda ng Go-For-Gold – ang flagship sports program ng Powerball Marketing and Logistics Corporation – sasabak sina two-time SEAG gold medalist Margarito Angana Jr. , veterans Jhonny Morte at Alvin Lobreguito laban sa pinakamatitikas na wrestlers sa rehiyon sa Jagsport Wrestling Championship sa Disyembre 6-9 sa Singapore.

Sabak si Angana sa 61-kilogram men’s freestyle senior event, habang lalarga sina Lobreguito at Morte sa 57kg at 65kg sa torneo na lalahukan din ng mga grapplers mula sa Uzbekistan, Australia, Taiwan, Hong Kong, Indonesia, Thailand at Singapore.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasama rin sa koponan sina Royce Tiu (86kg), Ronil Tubog (61kg), Jonathan Maquilan (65kg) at cadet division entry Cadel Hualda (80kg).

``I believe that our wrestlers will do well and continue to prove that we are one of the best in Asia,’’pahayag ni Go For Gold godfather Jeremy Go.

Bukod sa wrestling, katuwang ang Go For Gold sa sports development program ng national at junior athletes mula sa cycling, triathlon, sepak takraw, skateboarding at dragonboat.

“We need to expose our wrestlers to this kind of tournament if we want to achieve something in the SEA Games,’’ said Go For Gold project director Ednalyn Hualda.

Gagabay sa Nationals sina coach at dating national wrestlers Michael Baletin at Efrelyn Crosby.

“This is part of our year-long preparation for the SEA Games. The more tournaments that we participate in, the better for our wrestlers,” pahayag ni Crosby.

Sa kasalukuyan, napagkasunduan ng SEAG Federation ang pagapruba sa 15 event sa wrestling, kasama ang karagdagang limang event sa hosting ng Manila sa SEA Games.