ANG saya ng kuwentuhan sa mediacon ng Rainbow’s Sunset dahil may kanya-kanyang punto de vista ang buong cast tugkol sa kuwento ng Padre de Pamilya na ginagampanan ni Mr. Eddie Garcia, na may special friend na lalaki, played by Mr. Tony Mabesa habang si Ms Gloria Romero naman ang gaganap na asawa ng una.

Eddie copy

Ang karakter ng aktor/direktor ay bading at nang magkasakit ang special friend niyang si Tony ay iniwan niya ang pamilya para alagaan ang kaibigang may sakit.

Kaya nang magpaalam siya sa mga anak niya ay dito na nagsimula ang gulo dahil hindi nila sukat akalain na ang nakagisnan nilang ‘tito’ ay lover boy pala ng kanilang ama.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Walang matinding kissing scene sina tito Eddie at tito Tony, pero kung mayroon man ay hindi naman ito tatanggihan ng una.

“I was supposed to be sick, so he kissed me and I kissed him back,” kuwento ni Tito Tony.

Sagot naman ni Tito Eddie: “If the script calls for it, okay lang sa akin, trabaho lang ‘yan, eh.”

Maraming beses nang gumanap na gay si Tito Eddie kaya natanong kung ano ang bago niyang ginawa sa Rainbow’s Sunset.

“Wala naman , ako kasi ‘pag tumatanggap ako ng role, bina-base ko sa script plus with very good direktor like Joel Lamangan. Para sa akin kasi lahat ng role tinatanggap ko dahil trabaho lang ‘yan,” katwiran ng beteranong aktor/direktor.

Ang mga gumanap na young Eddie (Ross Pesigan) at Tony (Shido Roxas) ang may matitinding kissing scene na base rin sa kuwento ni Direk Joel ay makailang beses siyang sumigaw ng cut pero hindi raw yata narinig ng dalawa dahil tuluy-tuloy pa rin sila.

“They were so concentrated,” saad ni Direk Joel.

Nagkatawanan ang lahat dahil baka raw nag-enjoy pareho sina Ross at Shido. Natatawa rin sila sa isa’t isa.

Sabi ni Ross, wala siyang narinig na cut kaya dire-diretso sila ni Shido na parehong nakapikit pa ang mga mata.

“Bago po namin ginawa ‘yung scene, kinausap po kami ni Sir Joel na ‘kung ayaw n’yong umulit ito, gawin n’yo nang maayos.’ So, one-take naman po na mahaba at tinodo na po,” sabi ni Ross.

Umamin si Shido na may mga offer sa kanya noon na gumawa ng kissing scene sa kapwa lalaki pero tumatanggi siya dahil pakiramdam niya ay hindi niya kaya. Pero kaagad niyang tinanggap itong Rainbow’s Sunset dahil nalaman niyang si Direk Joel ang makakatrabaho niya.

Kuwento ni Shido: “Ewan ko ba, hindi ko maintindihan ‘yung pakiramdam na ‘yun. Nagdadasal ako habang ginagawa namin, sabi ko, ‘sana, matuwa si Direk nito.’ Para bang nagko-contemplate ako, sabi ko, ‘ano kaya iniisip ni Direk? Sana matapos na ito.”

Sabi ni Direk Joel sa lahat, “They were very good, watch it.”

Samantala, natanong si Direk Joel kung ano ang pakiramdam niya sa muli niyang pagsali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil ang huli niyang entry ay ang Mano Po 6: Mother’s Love noong 2009 nina Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla, Boots Anson Rosa, Christopher de Leon at marami pang iba.

“Sa aking pagbabalik, nakaka-excite kasi sasakay na naman ako sa float, kakaway-kaway na naman ng ganu’n sa gitna ng araw. Nakaka- excite malaman kung paano tinanggap ng manonood ang pelikula, kagaya ng dati na may pagka-kontrobersyal ulit ang MMFF. Kung walang controversy, walang MMFF, so exciting, masarap na babalik ulit ako,” say ni direk Joel.

Anyway, may binasang statement ang publicist ng Rainbow’s Sunset na si Jun Nardo na padala ni Ms Harlene Bautista, isa sa producer ng Heaven’s Best Entertainment Productions.

“Please extend my love and congratulations to the cast. And for the undying support of our friends from the media.

“Heaven’s Best Entertainment will forever take pride in producing this amazing masterpiece. Thanks to Direk Joel, Tito Eddie, Tita Gloria (Romero) and the rest of the cast and the entire production team. Most of all to Sir Tony, my mentor and same with the rest of Dulaang UP, we love you and thank you for molding us in becoming the artists that we are today.

“Salamat Tito Pip (Tirso Cruz III), Aiko (Melendez) and Sunshine (Dizon). Maraming salamat sa buong cast.

“My love also to Eric Ramos (scriptwriter) sa napakagandang obra.

“We lovingly dedicate this beautiful movie to our parents Butch and Baby Bautista.

“From Herbert, Hero and Harlene Bautista, maraming salamat Po. Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!

“Abangan ang susunod na obra ng Heaven’s Best Entertainment.”

Kasama rin sa Rainbow’s Sunset sina Tirso Cruz III, Aiko Melendez, Max Collinsm Jim Pebanco, Tanya Gomez, Sue Prado, Marcus Madrigal, Noel Comia, Ali Forbes, Adrian Cabido, Hero Bautista, Vince Drillon, Nella Marie Dizon, Ace Merfel, Benz Sangalang, Cline Juan, Zeke Sarmenta, at may special participation si Albie Casino.

Mapapanood na ito sa Disyembre 25, na simula ng 2018 Metro Manila Film Festival.

-REGGEE BONOAN