NAPABAGSAK ni Joey Canoy ng Pilipinas sa ikalawang round ang South African na si Simpiwe Konkco na hinamon niya para sa International Boxing Organization (IBO) minimumweight title pero umuwi siyang luhaan nang itigil ang laban sa 4th round at idineklarang no decision ang laban kamakalawa ng gabi sa Orient Theatre, East London, Eastern Cape, South Africa.

Walang kinuhang round si Konkco kaya nang pumutok ang kanyang kilay sa accidental head butt ay nag-isip ng paraan ang South African referee kung paano mananatili sa kanyang kababayan ang titulo.

“The fight was stopped and Canoy thought he had won. The referee had to remind him and his corner men that this was the fourth round of a title fight. The fight was declared a no decision and Konkco remains champion,” ayon sa ulat ng Philboxing.com.

Ito ang ikalawang kabiguan ni Canoy sa kanyang pagdayo sa South Africa matakaraang matalo via 8th round TKO kay Hekkie Budler para sa IBO light flyweight tile nito noong Pebrero 4, 2017 sa Emperor’s Palace, Kempton Park.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May rekord ngayon si Canoy na 14-3-1 at 1 no decision at umaasang mapapalaban sa ibang world title fight sa kanyang susunod na laban.

-Gilbert Espeña