SA unang pagkakataon, nagawang makaiskor ng Team Philippines laban sa Vietnam.

Ngunit, hindi nito naisalba ang kampanya ng pamosong AFF Suzuki Cup.

Gayunman, hindi sapat ang nagawa sa first leg ng semis sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

Naitabla ni Patrick Reichelt ang laro bago mag halftime matapos makauna ang mga Vietnamese sa pamamagitan ng goal ni Nguyen Anh Duc sa ika-12 minuto.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ngunit sa simula pa lamang ng second half, kaagad na naiskor ang winner sa 48th minuto.

“Well, I think we played rather well, but if you want to beat a team like Vietnam – they have a very good team, I think we conceded two goals unluckily. We were unlucky (on) both occasions and it was too easy to score for them,” pahayag ni Azkals coach Sven-Goran Eriksson.

Dahil sa kabiguan, kinakailangan ng Azkals ng 2-0 panalo kontra Vietnam sa second leg na gaganapin sa Hanoi sa Huwebes ng gabi para makausad sa Finals.

-Marivic Awitan