KABUUANG 16 bansa, sa pangunguna ng mga top Grandmasters ng China, India at Iran ang magpapamalas ng talino at husay sa pagsulong ng 17th Asian Continental Chess Championships (2nd Manny Pacquiao Cup) sa Disyembre 9-19 sa Tiara Hotel sa Makati City.

Ipinapalagay na liyamado sina China’s GMs Wang Hao (2730), Wei Yi (2728) at Ni Hua (2683), Iran’s GM Parham Maghsoodloo (2689), at India’s GM Baskaran Adhiban (2682) at GM S. P. Sethuraman (2664) sa torneo na sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines na pinamumunuan ni Butch Pichay sa tulong ni Sen. Manny Pacquiao at ng Philippine Sports Commission.

Nakopo ni WGM Guo Qin ng China ang silver medal sa team at individual event sa nakalipas na 2014 World Chess Olympiad sa Tromso, Norway kung kaya’t siya ang premyadong player sa women’s division. Tangan niya ang 2368 ELO. Mapapalaban siya sa kababayn na si WGM Wang Jue (2367) at India’s WGM Padmini Rout (2341).

Sasandigan ang Team Philippines nina GMs John Paul Gomez, Darwin Laylo at Joey Antonio, gayundin ang mga papasikat na sina International Masters Jan Emmanuel Garcia, Haridas Pascua, Marvin Miciano, Paolo Bersamina at recently-crowned ASEAN seniors chess champion Chito Garma, habang mangunguna sa women’s team si WGM Janelle Mae Frayna.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naghihintay ang awtomatikong GM title at norms sa magiging kampeon.

Mapapasama rin sa World Chess Cup 2019 sa Nobyembre 4-30 sa Khanty-Mansyisk, Russia ang mangungunang limang players sa men’s division. Uusad naman sa Women’s World Cup ang mangungunang limang players sa distaff side.

Kabuuang US$50,000 ang premyong nakataya, tampok ang US$10,000 sa men’s titlist at US$6,000 sa women’s winner.