KIDAPAWAN CITY – Naaresto na ng mga awtoridad ang 16 na suspek sa pananambang at pagpatay sa tatlong miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Matalam, North Cotabato, kamakailan.
Sa ulat ng Provincial Police Office 12 (PRO 12), kinilala ang mga suspek na sina Joel Bolante, 41; Romar Prado, 29; Redmar Samson, 32; Reynaldo Mosquera, 41; Efren Mosquera, 51; Warlito Mosquera, 37; Danilo Mercado, 25; Lando Helera, 43; Jonathan Viajante, 42; Alvin Villarin, 30; Dennis Olvido, 34; Johnny Patria, 27; at apat pang menor de edad, pawang taga- Barangay Estado sa Matalam.
Sila ay pawang nasa kustodiya ng pulisya at sasampahan ng kaukulang kaso.
Una nang nanawagan si Mindanao Human Rights Action Center official Taher Guiambangan Solaiman sa pamahalaan na magsagawa n g masusing imbestigasyon sa kaso.
Matatandaang pinagbabaril ng mga suspek ang grupo ng MNLF
sa Bgy. Kibudoc sa naturang bayan, nitong Sabado.
Kabilang sa mga napatay ay sina George Dilangalen, During Panga, at Mohammad Angeles.
-Ali G. Macabalang