ISANG klasikong sagupaan ang inaasahang matutunghayan sa pangkampeonatong edisyon ng "Battle of Katipunan" ngayong hapon sa pagsisimula ng finals series ng UAAP Season 81 men's basketball tournament sa pagitan ng defending champion Ateneo de Manila at University of the Philippines sa MOA Arena sa Pasay.

Maraming bagong itinala ang Maroons sa aklat ng kasaysayan ng liga ngayong taon na kinabibilangan ng unang beses na pagsalta sa inal Four pagkalipas ng 21 taon, unang finals appearance mula noong 1986, at unang MVP sa katauhan ni Bright Akhuetie mula noong 1969.

Ngunit sa kabila nito, hindi pa kuntento ang UP at hangad na agawin ang titulo sa kapitbahay nilang Ateneo.

Gayunman, marami ang nagsasabing dehado sila sa duwelo, dahil bukod sa malakas ang roster ng Blue Eagles at may taglay na championship experience, nakapahinga pa ang mga ito bago sumabak sa finals kumpara sa Maroons na dumaan sa dalawang do or die games.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Aminado naman si coach Bo Perasol na talagang dehado sila,pero hindi iyon nangangahulugan na basta na lamang

susuko ang UP.

"No basketball aficionado in his right mind would probably give us a good chance against Ateneo, but we would want that. We would want the tag that UP doesn’t stand a chance against Ateneo,” ani Perasol.

“There is something that we do that’s going to keep us going forward, looking to that championship game against Ateneo. We know that we could take something from that, the courage, the resilience, our feeling that we need to keep moving,” dagdag nito.

“We need to keep fighting, no matter what the odds are.Our mindset is we're here already, why not play the best that we can, why not fight for it?," aniya.

-Marivic Awitan